Resignation ni Jalandoni inaasahan ng Malakanyang

POSIBLENG tanggapin ng Malakanyang ang pagbibitiw sa puwesto ni Deputy Ombudsman for Luzon Mark Jalandoni.

Inamin ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. na inaasahan na nila na magsusumite na ng kanyang resignation letter si Jalandoni.

“That’s his prerogative. We will respect that decision of his,” ayon kay Ochoa.

Nauna nang sinabi ni deputy presidential spokesperson Atty. Abigail Valte  na agad na mapapawalang saysay ang administrative complaints laban kay Jalandoni na kasalukuyang nasa Office of the President sa oras na magbitiw ito sa kanyang tungkulin.

Tatlong reklamo ang nakahain sa Office of the President kontra kay Jalandoni.

Noong Biyernes, Abril 8, ay nagbitiw na sa kanyang tungkulin si Jalandoni at nagpahayag na nararamdaman niyang siya ang susunod na target ng Malakanyang para sibakin sa puwesto.

Binigyang diin ni Jalandoni na ang mga paratang laban sa kanya ay walang basehan.

Nagsumite umano siya ng kanyang irrevocable resignation para iligtas ang Office of the Ombudsman mula sa kontrobersiya. Kris Jose

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply