Responsible Parenthood suportado ni Lacson

SINUPORTAHAN ni Senador Panfilo Lacson ang posisyon ni Pangulong Benigno Aquino sa pagsusulong  ng  panukalang Responsible Parenthood na naglalayong maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Ani Lacson, ito ang tamang panahon para ipursige ng pamahalaan ang population management para masawata ang problema sa kahirapan.

“Finding ways to curb our monstrous population growth rate, which has been a major part of our poverty problem, is one sensible approach in poverty alleviation. Advocating population management is not being anti-life. In fact, it is pro-country and pro-people,” giit ni Lacson.

Gayunpaman, nilinaw ng senador na hindi siya pabor sa aborsyon na isang krimen at hindi maaaring gawing panangga ang responsible parenthood.

“Any form of abortion should be condemned and punished,” anito.

Ang reaksyon ni Lacson ay bilang tugon sa naging pahayag ni Aquino sa harap ng mga nagsipagtapos sa University of the Philippines na handa siyang tanggapin ang anumang pambabatikos ng simbahang katoliko para isulong ang RP bill.

Hindi pabor ang simabahang katoliko sa anumang artificial contraception bilang bahagi ng population management. Ang tanging pinayagan lamang ng simbahan ay ang natural family planning.

Noong nakaraang 14th Congress, isang Senate Bill 43 ang inihain ni Lacson upang hinakayatin ang pagsusulong ng reproductive health at population management   hindi ang abortion na kinokonsiderang isang grave criminal offense. Vicky Cervales

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply