Retiradong parak binaril, tepok

TEPOK ang isang retiradong pulis- Maynila makaraang barilin ng hindi nakilalang mga salarin at kinaladkad ang katawan nito palabas ng kanyang kotse umaga ng Huwebes, Abril 14.

Ayon sa report ng dzBB, binaril ang biktima na nakilala lamang sa pangalang Efren habang binabagtas nito ang Litex Road sa Quezon City.

“Isa siyang retiradong pulis sa Maynila, negosyante po yan. Wala akong alam na kaaway niya” ayon sa pinsan ng biktima na kaagad sumugod sa pinangyarihan ng pamamaril.

Ayon sa ulat, kinaladkad ang bangkay ng biktima at iniwan na lamang sa kalye at kaagad tumakas matapos ang insidente.

Nabatid na narekober ang may 10 basyo ng baril sa pinangyarihan.

Inilarawan ang biktima na nasa 62-anyos at may ranggong Senior Police Officer 2 nang magretiro. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply