Revilla pumalag sa PLDT, Digitel merging

PINALAGAN ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., ang pagsasanib ng higanteng Philippine Long Distance Telephone Company at Digitel kaya inatasan nito ang National Telecommunications Commission (NTC) na pag-aaralan ang epekto nito sa interes ng publiko.

Ayon kay Revilla, dapat malaman ng NTC ang magiging epekto ng naturang pagsasanib sa local telecommunication market at magsumite ng kaukulang report sa loob ng dalawang linggo.

“The NTC, which is the country’s Telecoms regulator, is in the best position to assess the impact of this transaction on consumers and the public in general,” ayon kay Revilla.

“While, a change of ownership of corporations is usually ordinary business, this is not the case here as Telecommunications is imbued with public interest, and we must ensure that public interest is upheld in this transaction,” dagdag ng senador.

Ikinababahala ni Revilla na sakaling maganap ang pagsasanib ng dalawang higanteng telecom network, mangangahulugan na malaking bahagi ng Mobile Phone industry ang makokontrol ng PLDT kabilang ang kompanya nitong Piltel, Smart, Cure at ngayon ang Digitel.

Ayon pa kay Revilla, nagsasagawa ang Senate committee on public services ng isang technical working group meetings para sa reorganisasyon ng NTC upang mabigyan ng mas malawak na kapangyarihan ang ahensiya sa superbisyon sa telecoms industry.

Si Revilla ang chairman ng Senate committee on public services. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply