Revillame nagpaliwanag sa isyu ng batang nag ‘macho dancing’

WALANG obscene at hindi puwedeng sabihing child abuse ang pagsasayaw ng bata.”

Ito ang naging paliwanag ng legal counsel ng TV host/producer ng Willing willie na si Willie Revillame Sabado, Abril 2.

Sa isinagawang pulong-balitaan, ipinaliwanag ni Atty. Leorand De Vera, abogado ni Revillame, walang basehan na sabihing child abuser ang TV host dahil ni hindi aniya alam kung anong talent ang ipakikita ng anim na taong gulang na batang si Jan-jan  noong Marso 12 na segment sa TV 5 para sa mga “talented na bata” portion ng programa.

Batay aniya sa mga isinumiteng affidavit nina Jocelyn S. Santiago at RG Estrada, tiyahin at ama ng bata ang nagturo sa paslit na magsayaw ng macho dancing, matagal na aniyang isinasayaw ito ng bata.

Minsan na rin aniyang isinayaw ito ng bata noon sa kanyang eskuwelahan sa kahilingan  na rin ng kanyang mga guro at sumali na  sa isang pa contest na Little Mr. SM na ginawa sa SM Mall of Asia noong 2009.

Malinaw aniya na isa lamang itong paninira at paninilip sa programa upang sirain ito at mawala sa ere ang programa  ni Wlliy na nakakuha umano ng may 3,000 viewers noong araw na nagtanghal ang bata.

Napag-alaman na may nag –offer umano sa mga magulang ng bata ng halagang  P 1 milyong piso para lamang sirain ang programa ng aktor .

Hindi rin naman aniya nagreklamo ang mga magulang ng bata bagkus nagpasalamat pa ang mga ito sa magandang performance ng bata.

Kapansin-pansin aniya na sa umpisa pa lamang ng kapanayamin ni Revillame ang bata habang katabi ang basketball player na si Bonnel Balingit ay parang napapaiyak na ang bata na tila natatakot kay Balingit. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply