RGMA magigisa sa impeach Merci kung…

MAGIGISA si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa impeachment trial kung may sapat na ebidensiya ang prosecution panel mula sa Mababang Kapulungan ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile.

Sa ginanap na Kapihan sa Senado, sinabi ni Enrile na maaaring ipatawag sa impeachment trial ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang dating pangulo ngunit kailangan umanong may matitibay na basehan upang idikdik ito.

Nilinaw din ni Enrile na maaaring ipatawag ng Impeachment Court ang sinumang miyembro ng Kongreso dahil walang umiiral na inter-parliamentary courtesy sa korte na nilikha ng Saligang Batas.

Ipinaalala naman ni Enrile sa prosecution panel na kung talagang balak nilang ipatawag ang dating pangulo, kailangang tiyakin na may basehan at konektado sa kaso ni Ombudsman Gutierrez ang manipestasyon sa paglilitis.

“They have to explain ‘why are you asking these person to appear in these proceedings’. Hindi puwede iyong magpa-file lang sila ng request but they will not state the purpose,” pagdidiin ng Senate President.

Ipinaliwanag pa nito na hindi siya basta-basta magpapatawag ng mga testigo  kabilang na ang dating Pangulo, kung walang sapat na basehan upang sa gayon ay hindi mapahiya ang mga taong isasalang sa witness stand.

“We have a coercive power to make her appear, but the threshold issue is relevant ba yung kanyang appearance o panloloko lang para pahiyain siya? I am not going to be a party to embarrassing people,” pagdidiin ni Enrile.

Sa Mayo 9 na mag-uumpisa ang impeachment trial ni Gutierrez kasabay ng pagbabalik ng sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Naghain na ng resolusyon si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan para sa paspasang botohan sa kaso ng Ombudsman pero tinutulan ito ni Enrile sa pagsasabing plantsado na ang ‘rules of procedure on impeachment trial’ at kung ipapabago pa ito ay baka magkaroon ng delay sa panimula ng trial.

Tiniyak din ni Enrile na hindi aabot sa pagreretiro ni Gutierrez ang pagtatapos ng impeachment trial dahil baka matapos nila ito sa loob ng taong ito. Sa Disyembre ng taong 2012 pa magreretiro sa serbisyo si Gutierrez. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply