RH bill hindi labag sa Bibliya

SA KABILA ng patuloy na pagtutol ng Simbahang Katoliko sa pagpasa ng House Bill 4244 o ng Responsible Parenthood, Reproductive Health and Population Development Act of 2011, o mas kilala bilang RH Bill, at sa counterpart nitong panukalang batas sa Senado, ilang pari at church leaders na ang nagparamdam ng suporta rito.

Kanina ay inindorso ng Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC) ang pagpapatibay sa naturang batas at inihayag ito ng organisasyon sa isinagawang pulong balitaan sa Lungsod ng Quezon.

Ayon kay PCEC national director Bishop Efraim M. Tendero, isinusulong ng RH Bill ang pagiging responsableng magulang na malinaw na nakasaad sa Bibliya.

Sinang-ayunan naman ni Dr. Rommel Linatoc ng National Council of Churches in the Philippines ang pahayag ni Bishop Tendero kasabay ang pagsasabing dapat ay maunawaan ng lahat nang lubos ang Biblical context hinggil sa isyu.

Ikinatuwa naman ni Philippine Legislators’ Committee on Population and Development Foundation, Inc., (PLCPD) executive director Ramon San Pascual ang pagpapahayag ng suporta ng ilang pinuno ng iba’t ibang evangelical churches, denominasyon nito, parachurch at mission organizations para sa RH Bill.

Bukod kina Tendero at Linatoc, suportado rin nina Bishop Rodrigo Tano ng Interfaith Partnership for the Promotion of Responsible Parenthood (Interfaith) at Dr. Ernesto Pernia ng School of Economics ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) at kumakatawan sa mga ordinaryong Katoliko, ang pagsusulong ng RH Bill. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply