RH Bill pag-aralan bago ipaglaban- Trillanes

HINIMOK ngayon ni Senador Antonio Trillanes ang mga supportes ng Reproductive Health bill na pag-aralan munang mabuti ang panukalang batas bago ito suportahan at ipaglaban

Ayon kay Trillanes, napaniniwala lamang ang marami na mainam ang RH bill dahil hindi ito lubos na naiintindihan.

Inaakala aniya ng mga pro-RH Bill na kokontrolin na nito ang populasyon sa pamamagitan ng mga libreng contraceptives na ipamamahagi ng gobyerno.

Diin pa ni Trillanes, walang probsiyon ang RH bill na magiging sangkalan para makontrol ang populasyon habang ang mga artificial contraceptive tulad ng pills at condom ay dati nang available sa Department of Health.

Dagdag ng Senador, tila hindi rin naiintindihan ng mga pro-RH bill na layunin sa panukalang batas na ibilang ang sex education sa ituturo partikular na sa fifth grade.

Isa umano ito sa kritikal na dapat bantayan dahil maselan ang sex education para sa mga paslit at delikado ring ipagkatiwala ang pagtuturo nito sa mga guro na walang training para sa bagay na ito.

Ayon kay Trillanes, hindi nakatutulong sa pagpapaintindi nito ang bangayan at patutsadahan ng liderato ng Simbahang Katoliko at ng Malakanyang.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply