Riding-in-tandem patay sa engkwentro

DALAWANG tao na magka-angkas sa motorsiklo ang namatay matapos makipagbrilan sa mga pulis Huwebes ng gabi. Pinaghinalaang sangkot sa pagnanakaw at panghoholdap ang dalawa, ayon sa mga pulis.

Nakilala ang mga napatay na sina Marlon Dulay, 19, binata, ng 312 Bldg.1, Safarri, San Andres Bukid, Manila at pawang miyembro ng Bahala Na Gang; inaalam pa ang pagkakilanlan ng isang napatay na may taas na 5’2″, katamtaman ang pangangatawan,nakasuot lamang ng kulay itim na short pants .

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan, dakong alas-9:15 ng gabi nang makaengkuwentro ng mga tauhan ng MPD-Station 4 sa may Laong-Laan at Navarra Sts., Sampaloc ang mga suspek sakay ng motorsiklo Suzuki Raider na kulay pula at may plakang for registration.

Una rito, nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Station 4, sa pangunguna ni P/Supt.Jemar Modequillo, dahil na rin sa talamak na holdapan sa lugar.

Sa operasyon, isang pulis asset ang hinoldap ng mga suspek at tinangay ang dalang bag nito saka mabilis na umarangkada.

Nakaposte naman ang mga tauhan ng nasabing stasyon sa may Laon-Laan at Navarra Sts. at inabangan ang mga suspek na nakamotorsiklo.

Nang sisitahin sila ay agad bumunot ng baril ang mga suspek kaya napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok na nagresulta sa pagkamatay ni Dulay at ang angkas nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply