Riding-in-tandem todas sa MPD operatives

DAHIL sa pagpain ng Manila Police District operatives sa kanilang isang bagitong pulis na may bitbit na laptop ay tumimbuwang ang dalawang holdaper na sakay ng motorsiklo sa Sampaloc, Manila makaraang makipagbakbakan sa awtoridad, iniulat kanina, Abril 15.

Ayon kay P/Supt. Jemar Modequillo, tumimbuwang ang mga suspek na sina Marlon Dulay, 19 at isang hindi pa nakikilalang lalaki nang makipagbakbakan sa kanyang mga tauhan.

Nabatid na 9:15 ng gabi nang ipain ng MPD operatives ang isa sa kanilang bagitong pulis bitbit ang isang laptop sa panulukan ng Navarra St., sa Sampaloc, sinasabing pugad ng mga holdaper.

Habang naglalakad sa lugar ang kanilang pain nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo na Suzuki, sakay ang dalawang lalaki at hinablot ang dala ni Dulay saka mabilis na pinaharurot ang kanilang sasakyan.

Agad namang umaksyon ang mga pulis at hinabol ang mga suspek, pero nang maabutan, sa halip na sumuko ay nakipagpalitan ng putok ng baril ang mga holdaper kanilang agad na ikinamatay. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply