Road Runner at PC Gilmore mag-uunahan

KAKALAS sa masikip na 2-1 win-loss slate na tangan ng apat na teams sa Group A ang alinman sa NLEX Road Warriors at PC Gilmore na kapantay ng Pharex at Blackwater sa main game ng double header ng PBA D-League Foundation Cup eliminations sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City ngayong hapon.

Aasintahin ng PC Gilmore ang isang panibagong upset win laban sa road warriors kasunod ng panalo sa napabor na Pharex, 99-97, noong nakaraang linggo.

Mahaharap ang team ni Coach Richard del Rosario sa star-studded na team ni Coach Boyet Fernandez na nangangamba rin sa naobserbahang tibay ng Wizards noong huling laro nito.

Pinupuntirya naman ng Maynilad ang diretsong pangatlong panalo sa pakikipagharap sa FCA Cultivators sa 2 p.m. opening game. Bahagyang debalde ang Water Dragons sa laro dahil sa one-game suspension na pagsisilbihan ni Coach Frankie Lim bukod sa multang P5000 kasunod ng ipagtulakan niya si Ildefonso Bulangis ng Cafe France sa last quarter ng laro noong Martes na tinalo nila sa iskor na 106-74. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply