Robin Padilla, Justin Bieber super-super flop sa takilya, nakarma kaya?

OMG! Hindi kami makapaniwalang lalangawin ever ang film showing ng world’s top icon at tinitiliang  si Justin Bieber. JUSTIN BIEBER yun huh! E, kaso, saksi kami noh! Hanggang ngayon pinag-uusap-usapan pa rin ito sa apat ng sulok ng  entertainment world. Ganun din ang pelikula ni Robin Padilla.

Surprised talaga kami na wala raw ni isang kumuha ng tiket sa palabas ng documentary film ng most popular international male teener na ito sa cinema ng isang mall na pinasok namin dito sa Kamaynilaan kamakailan lang.

Tila binoykot ng viewers ang promoter ng film. Swapang daw ba, as in, they anticipated na dudumugin ang palabas kahit walang publicity ever kaya naman inunahan na rin nila ng advisory sa rolling screen ng takilyera na hindi allowed ang production pass, ad monitoring pass. All marketing promotion tie-up pass, cinema pass, season pass at senior citizen pass. In compliance yun with the Production and as per film guidelines nga.

Binalikan namin ang nasabing cinema two days after but to our shock, cancelled na raw ang showing, as in, walang viewers kaya cancelled ang showing.

Hinayang na hinayang man ang staff ng cinema, wala naman silang magawa dahil nasa promoter ang mga desisyon sa palabas.

Ang laking produksiyon kung tutuusin ng Justin Bieber, “Never Say Never” na isang documentary – musical film from Paramount Pictures.  Hindi sila magpo-prodyus ng hindi quality film kaya expected na dudumugin.

Wala palang alam ang grupo-grupong followers ni JB na may film itong ipalalabas. Wala raw kasing tamang promotion. Inasahan na nga ng promoter na hindi kailangan ang publicity gimmicks dahil to the heights naman ang popularity ni Justin.

Hindi nga ba sila naniniwala sa malaking naitutulong ng publisidad o talaga lang may karamutan sila pati na raw sa pagsi-i-share ng chance sa ilang viewers to watch it for free?

Ayun, dahil daw sa kaswapangan, pati isang very hot icon, sumemplang. Yun ang napala nyo.  Belat! Ha! Ha! Ha!

oOo

Rich Asuncion, Kylie Padilla ibinugaw kay Aljur Abrenica

HANGGANG ngayon pinag-uusapan pa ang pagka-super flop ng “Tum My Pledge of Love” nila Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

Kung iikutin ang mga sinehang pinagtanghalan nito sa ilang araw nang nakaraan, madalang talaga ang pumasok na para naman daw nakapaninibago para sa isang Robin Padilla na makikita rin sa datos ng ilang movie ouitlets.

Hindi raw kasi sanay ang manonood na sa pelikula ni Robin ay mas lutang pa ang musical sequences kasya action.

Kung tutuusin, maganda ang istorya ng TUM although in a way, it seems dragging sa presentation ng puntong nais i-project.

Sa India pa kinunan ang maraming eksena ng pelikula na halos nagpapa-alala ng ilang tagpo sa hit na hit na “Slumdog Millionaire.”

Maganda ang values ng pelikula dahil sa treatment sa kultura at relihiyon pero mas  lutang ang kultura ng Muslim dito kaysa Katoliko.

Nasaan na ang suporta ng Muslim community sa pelikula ni Robinhood na kapit-tuko sa kanilang relihiyon.

Di nga ba, my dear Editor, Muslim din ang gusto ng padir nina Queenie at Kylie na mapangasawa ng kanyang mga dalaga? Kaya nga etsapwera at hindi makaporma si Aljur Abrenica kay Kylie kahit ang young star pa nga raw ang gumagawa ng paraan na magkita sila ng rumored dyowa ni Rich Asuncion.

Magbago na kaya ng paniniwala somehow si Robinhood na siya ring prodyuser ng “TUM My Pledge of Love?”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply