Rollback din hindi lang oil price hike —Ochoa

DAPAT pangunahan ng mga kompanya ng langis ang roll back sa presyo ng langis at krudo makaraang magkuwenta ang gobyerno.

Sinabi ni Executive Sec. Paquito Ochoa, sa unang araw ng trabaho pagkatapos ng Semana Santa, na batay sa kuwenta ng Department of Energy, aabot lang sa 39 sentimos ang pinakamalaking dapat na idagdag sa presyo ng gasolina at lubhang mapanggipit ang 60 sentimos na dagdag-presyo ng mga kompanya ng langis.

Ayon pa kay Ochoa, 16 sentimos lang ang dapat na idagdag sa presyo ng diesel pero ginawang 25 sentimos ng mga kompanya ng langis.

Iginiit ni Ochoa ang paninindigan ng Energy department na ang roll back ay naayon sa halagang itinaas noong isang linggo.

Aniya, sa pag-uusap nila ni Energy Sec. Rene Jose Almendras, lumilitaw na kung nagtaas ng presyo ang mga kompanya ng langis noong isang linggo nararapat lamang ang roll back makaraan.

Ani pa ni Ochoa, kailangang magpasa ng nakasulat na paliwanag ang mga kompanya ng langis na nakagawa ng maituturing na pagmamalabis sa taumbayan sa Task Force na binubuo ng DOE at Department of Justice.

Samantala sinabi ni Ochoa na inihayag na ng DOE sa publiko ang karagdagang security features sa Smart cards na ipamamahagi sa jeepney at tricycle drivers sa ilalim ng programa ng gobyerno na “Pantawid Pasada.”

VK SA BIÑAN, KAYA NI  GEN. MENESES

Yaman din lang na si General Gil Meneses ang bagong Region 4-A Director ng kapulisan, dapat na niyang pakilusin ang kanyang chief of police sa Biñan dahil sa hanggang ngayon ay walang takot na ino-operate ng grupo nina Boy Decena at Mon Biñan ang kanilang mga makina (VK) sa Biñan, Laguna.

Palibhasa kinukunsinti ni Mayor Lenlen Alonte ang mga VK operator na nabanggit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply