ROS vs GSM, Alaska Aces at Air Express sa 36th PBA Anniversary

MAGANDANG handog sa ika-36 na anibersaryo ng Philippines Basketball Association ang do-or-die na engkwentro sa pagitan ng Barangay Ginebra at Rain or Shine at ng Alaska Aces laban sa Air21 Express sa Araneta Coliseum ngayong gabi, Abril 13.

Pawang mga tangan ang 1-1 win-loss slate ng 4-quarterfinalists, amibisyon ng bawat isa na tapusin na ang best-of-3 mamayang gabi para isaayos ang semifinals.

Ang mananalo sa Gins-Painters KO game ay haharap sa Smart Gilas Nationals habang ang Talk N’ Text na naghihintay sa winner ng Alaska Aces-Ari21 Express encounter. Magsisimula ang semifinals sa Biyernes sa Araneta Coliseum.

Si Nate Broomfield ang inaasahan ni coach Jong Uichico na magdadala sa koponan samantalang si import Hasan Adams ang aalalay sa team ni coach Yeng Guiao.

Si Express mentor Gerardo “Bong” Ramos ay nakasalig naman kay Alpha Bancura na bumanat ng 40 puntos sa 94-84 panalo sa Aces noong Linggo habang si LD Williams na nagtala ng 7 puntos ay kakatuwangain nina LA Tenerio, Sonny Thoos at Joe Devance  sa panig ng Alaska Aces. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply