Royal wedding nina Prince William, Kate Middleton umpisa na

KASALUKUYANG nagaganap na ang royal wedding nina Prince William at Kate Middleton.

Natapos na din ang ilang araw na paghihintay ng buong mundo sa tinaguriang “Royal Wedding of the Century.”

Inanunsyo na kanina ng Buckingham Palace ang magiging titulo nina Prince William at Kate. Sila ay tatawagain ng Duke a  Duchess of Cambridge.

Tanging si Queen Elizabeth II lamang ang makapagbibigay ng titulong ito.

Ang opisyal na pagpapakilala kina Prince William at Kate mula ngayon ay “His Royal Highness, the Duke of Cambridge at Her Royal Highness, the Duchess of Cambridge.

Sa Scotland tatawaging Earl of Strathearn at Countess of Strathearn sa Scotland ang dalawa.

At magiging Baron Carrickfergus at Baroness Carrickfergus sila sa Ireland. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply