Rufa Mae Quinto, di si Lovi Poe ang kakuyangyangan ng Brazilian na bulol

MATAGAL-TAGAL na nawala sa sirkulasyon si Rufa Mae. At this point in her career, puwedeng pababa na ang kanyang kasikatan. At puwedeng pagbintangan ang pagiging masyadong lantad ni Rufa Mae sa kanyang lovelife.

Di gusto ng publiko yung tila walang moralidad ni Rufa Mae sa paglantad ng kanyang mga escapades. Natural, pag binuyangyang ang iyong mga gawain sa pag-ibig, kasama na riyan yung pagbuyangyang din ng sex life mo.

LOVI POE AYAW MAGPAGAMIT SA GIMIK

ILANG lalaki na ba’ng nagdaan sa kanyang buhay, the latest of whom ay ang maiskandalong di umano’y pagpatol niya sa isang may dyowa nang pulitiko.

O di ba, marami ang naririmarim na tila parang kabit lang si Rufa Mae ng pulitiko? Anyway, heto ngayon, nagsisimula na namang umingay ang buhay ni Rufa Mae. At yun ay dahil sa hayagan niyang pakikipagmabutihan sa Brapanese hunk na si Fabio Ide. Lagi raw magkasama’ng dalawa at tila si Rufa Mae pa’ng hatid-sundo sa naturang hunk sa mga lakd nito.

Si Lovi Poe ang sinabi ni Fabio Ide na crush niya, pero si Rufa Mae Quinto ang nakikitang sumusundo sa Brapanese hunk sa taping nito.

Napansin ng mga kasama ni Fabio sa show na sa harap ni Rufa Mae, ayaw pag-usapan ng hunk ang pagkaka-crush niya kay Lovi.

“No more na” ang sagot nito nang usisain tungkol kay Lovi dahil naririnig ni Rufa Mae.

Naku, minus pogi points kay Fabio ang ginawa, sabagay, kontra rin naman ang isang taga-kampo ni Lovi na magkaroon ito ng lovelife sa ngayon at gusto nitong mag-focus muna ang aktres sa career lalo’t maraming projects ngayon.

Anyway, madadalas ang pagsasama nina Rufa Mae at Fabio dahil magkasama na sila sa “Dwarfina.”

Na siyempre, umabot na sa kuyangyangan blues.

Whatever that means.

So there! Cesar Pambid

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply