Rules of impeachment ‘di na aamiyendahan

MISTULANG tinabla ni Senate president Juan Ponce Ernile ang panukala ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na amiyendahan ang gagamitin na Rules of Procedures sa impeachment trial ni Ombudsman Merceditas Guitierrez.

Inihayag ito ni Sen. Francis “Chiz” Escudero matapos suportahan ang pananaw ng lider ng Senado na huwag nang payagan ang panukala ni Pangilinan dahil magtatagal lamang ang proseso.

“I agree and see where he is coming from, given that we just recently approved it, and to amend it when we resume will only cause undue delay given that we need to publish it and comply with publication requirements all over again,” ayon kay Escudero.

Sinabi pa ni Escudero na hindi maaaring panigan ni Enrile ang panukala ni Pangilinan dahil baka maakusahan pa ang Senado na inaantala ang paglilitis kay Gutierrez.

Sa pagsasara ng sesyon ng Senado noong Marso 23, inaprubahan ang Rules of Procedures na gagamitin sa paglilitis kay Gutierrez at sa pagbubukas ng sesyon sa Mayo 9, saka pa lamang makapagbibigay ng kautusan si Enrile upang ipalathala ang Rules alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply