Run with the Masters

AARANGKADA na sa Linggo, Abril 17, ang karera sa lansangan na hangad ay makalikom ng pondo para sa gastusin ng mga atletang Pilipino sa nakatakdang ganapin XIX World Masters Athletics Championships (WMAC) sa Sacramento, California, USA.

Sa harapan ng bantayog ni Gat. Jose Rizal sa Rizal Park ay pakawawalan ang makabuluhan karera.

Ang three-in-one foot race na binansagang ‘Run with the Masters 2011’ ay katatampukan ng half-marathon o 21km karera. Bukod dito ay may side event na 3k at 10k distance.

Ang punong abala na National Masters & Senior’s Athletics Association of the Philippines (NMSAAP) ay pinamumunuan ni Manny Ibay sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC) at sa pagtataguyod ng Philippine Olympic Committee (POC).

Umaabot sa P300 ang registration fee sa tatlong kilometrong ruta, P400 sa 10k run at P450 sa half-marathon na may habang 21.097km.

Ang half-marathon ay lalahukan ng tinatayang 5,000 racing aficionados. May salaping gantimpala ang nakalaan na top 3 ng nabanggit na half-marathon at 10k run na may kasamang achievement medals sa unang 750 na tatawid sa meta sa 21km run.

300 medals naman sa unang tatawid sa 10km distance at 50 medals naman sa unang tatawid sa 3km.

Mayroon ding special prizes na nauukol sa age-group category winners. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply