25 problemadong OFWs sa Qatar babalik sa Pinas

NAKATAKDANG bumalik sa Pilipinas ang 25 overseas Filipino workers (OFWs) na kasalukuyang nakatahan sa Filipino Workers Resource Center (FWRC) sa Doha, Qatar.

Ito ang inihayag ni Vice President and Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers’ Concerns Jejomar C. Binay sa kaniyang  dalawang araw na pagbisita sa naturang bansa.

Ayon kay Binay, ¸kasunod ng magkakasunod na pag-uusap sa pagitan niya at matataas na opisyal ng gobyerno ng Qatar, karamihan sa naturang OFWs na babalik sa bansa ay “runaways” o tumakas mula sa kanilang employers at “overstaying.”

“We are grateful to the government of Qatar for agreeing to the repatriation. This underscores the strong ties between the two countries which will be even stronger in the coming years,” ayon kay Binay.

Kaugnay nito, inatasan na ng bise presidente ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang  Department of Foreign Affairs (DFA) na pabilisin ang pagpapauwi sa 25 OFWs. “As soon as their plane tickets are available, they can come home,”  ani Binay.

Nilinaw din nito na tiniyak sa kaniya ng gobyerno ng Qatar na isa ang Pilipinas sa pagkukunan ng  manpower o mga manggagawa sa nakatakdang construction boom sa nasabing bansa sa 2012 kaugnay sa paghahanda ng Qatar sa hosting nito sa 2020 World Cup.

“Qatar looks forward to hiring more Filipinos in the next few years and is set to hold discussions to facilitate their deployment,” anito.

Sa kasalukuyan ay nasa 2,000 ang OFWs sa Qatar.

Sinabi din ni Binay na nakatakdang magpadala ng kinatawan ang Qatar sa Pilipinas ngayong buwan ng Abril bilang miyembro ng technical working committee na itatatag para mag-set ng requirements sa recruitment at deployment ng mga mamnggagawa.

Dumating si Binay sa bansa nitong Biyernes, Abril 1, para naman sa pagsisimula ng kaniyang apat na araw na pagbisita sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Nakatakdang makipagkita ang bise presidente sa mga opisyal ng Philippine Embassy, makipag-dayalogo sa iba’t-ibang Filipino organizations at dalawin ang OFWs na nakatahan sa Bahay Kalinga na pinangangasiwaan ng Philippine Labor Office at OWWA.

Tatatalakayin din ng bise presidente ang labor issues sa mg opisyal ng Saudi government. Linda Bohol

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply