Sa ikatatamis ng lambingan nila Mariel: Robin Padilla magmo-model ng brief sa EDSA

SHOCK kami sa sinabi ni Robin Padilla willing na siyang mag-pose na  naka-underwear for Natasha brand kahit perfume ang unang produkto ilalabas ng action Superstar.  “Ang katunayan po n’yan, ‘yung unang-unang partnership namin ng Natasha ay ‘yung pong underwear. Noong una, parang magulo yata ‘yun, makikita akong naka-underwear pero ngayon papayag na rin akong magka-billboard na naka-brief para makapag-move-on na rin ako,”say ni Robin.

Pinabulaanan ni Binoe na wala siyang planong mag-retire. “Hindi po, malayong  mangyari ‘yun. Ako’y nag-i-enjoy,nakakatalon pa naman ako, kahapon nga  naka-tumbling pa ako. Sa ngayon nagagamit ko pa ‘yung pag-aartista ko sa mga pangarap ko. Lalo ngayon kailangan mag-ipon kami ni Mariel. Noong bago dumating si Mariel gusto ko na talagang magpahinga pero nu’ng dumating
si Mariel gusto  namin mag-kapamilya. Medyo isantabi muna ang pagri-retire at kasabay naman ‘yun  nang lahat ng dinasal ko sabay-sabay na ibinigay ng Panginoong Diyos lahat kaya
walang salamin, walang pintuan, walang bintana para mag-retire,”paliwanag ni Robin.

Kung sakaling lumabas sa Edsa ang billboard ni Robin na  naka-underwear, ano kaya ang magiging reaction ni Mariel ? “Dalawa lang ‘yun. Hiwalayan ako or lalong tumamis ang mga gabi.” Eddie Littlefield

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply