Sa pagiging isnabera: Maja dapat maturuan kung paano maging Salvador —-Jobelle Salvador

ALAM kaya ni Sarah Labhati na madalas dalawin ni Enzo Pineda si Louise delos Reyes sa taping ng Alakdana sa Antipolo Napasyal kasi kami sa taping ng Alakdana last Thursday afternoon at kinumpirma ni Louise na dinadalaw siya ni Enzo sa taping at nagdadala ng pagkain.

Magkaibigan lang daw sila ni Enzo at nasa stage of knowing each other. Lumalabas sila pero in group. Ask ko si Louise kung alam ba ni Sarah, ka-loveteam ni Enzo at balitang ka-on ng huli ang una?

“Alam ko po ay wala silang relasyon ni Sarah. Kaibigan ko rin naman po sila. Dumadalaw si Enzo at nagdadala ng pagkain. Paborito ko yung carbonara na dinadala niya para sa akin,” say ni Louise, ang Alakdana.

Ang hindi alam ni Louise, may pagtingin sa kanya ang isa sa mga leading man niya sa Alakdana na si Alden Richards.

Si Alden ay sumali rin sa Starstruck pero hindi napasama sa top 12. Napasama lang siya sa top 60. Pero mas naunahan pa niya ang Starstruck winner na si Steven.

Sabi ni Alden na ang tunay na pangalan ay Richard Faulkerson Jr, matagal na niyang crush si Louise pero hindi niya masabi sa dalaga ang pagmamahal niya dito.

Kaya kapag dumarating raw si Enzo sa taping para dalawin si Louise ay tumatabi na lang siya at nagsisisi kung bakit hindi niya kaagad sinabi sa dalaga ang nadarama.

“Hindi pa rin ako susuko. Hindi pa naman sila (Enzo at Louise) mag-on kaya may pag-asa pa rin ako para manligaw,” matapang na pahayag ni Alden Richards.

**************

Sa taping din ay nakausap namin si Jobelle Salvador na maganda pa rin hanggang ngayon. Salbahe ang role niya sa Alakdana. Pero sa tunay na buhay ay super bait ni Jobelle at napakasarap kausap.

Binata na ang panganay niya na si Mico at naninirahan ngayon sa Tate. Gusto niyang dalawin ito sa susunod na buwan.

Ten years old naman ang bunso niya na si Jullina, anak niya sa Japanese boyfriend pero nagkahiwalay rin sila.

“Matagal na kaming hiwalay ng father ni Jullina pero in good term pa rin kami nito at hanggang ngayon ay nagbibigay pa rin siya ng sustento sa aming mag-ina. Nasa Japan ang bunso ko. May condo kasi kami doon. Pero one of this day dadalawin ko rin siya at isasama pabalik ng Pinas,” pahayag ni Jobelle.

Sa tsikahan namin ay naungkat ang pag-i-snub raw sa kanya ni Maja Salvador nang magkita sila sa isang okasyon.

“Nagkita kami sa isang pagtitipon ng Salvador clan. Kami kasi kapag nagkita-kita sa isang okasyon, kahit ngayon lang nagkita ay parang matagal na kami magkakakilala dahil Salvador nga kami. Hindi niya ako nilapitan pero nagkita kami,” say pa ni Jobelle.

Sinabi pa ni Jobelle na pinsan lang niya si Maja at hindi siya Tita nito. Kaya raw  ng tawagin siyang Tita ni Maja ay nasabi niya sa sarili: “Tita ka diyan. Tito ko ang tatay mo. Pinsan lang kita.”

Nagbiro pa sa amin si Jobelle na kapag nakita raw namin si Maja ay turuan na maging Salvador.

Ask ko si Jobelle kung bakit natiis niyang mawala sa showbiz. Samantalang siya ang tunay at may karapatan magbalik- showbiz sa angkan ng mga Salvador.

“Nakasentro kasi ang attention ko sa aking anak. Sa kanila ko ibinuhos ang attention ko at nakalimutan ko ang showbiz, Pero sabi nga kapag pinasok mo ang showbiz ay mahirap kalimutan. Kaya eto ako ngayon nagbabalik- showbiz. Sana hindi pa huli,” pagtatapos ni Jobelle.

****************

Nagbabalik- telebisyon uli si Edu Manzano sa GMA 7 kaya mali ang naglabasan na lilipat na ito ng network.

Nagpahinga lang sandali si Mr. Manzano at ngayon handa na siyang muling mag-host ng isang game show. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply