Sa QC: Gen. Regis in, Gen. Mantele out

BAGO ang lahat, batiin muna natin si C/Supt. Sammy Pagdilao, Jr. sa kanyang pagkakahirang bilang director ng Criminal Investigation and Detection Group.

o0o

Matapos ang ilang taon na pamamalagi sa ibang assignment, babalik si C/Supt. George Regis sa Quezon City Police District (QCPD).

Sa distritong ito nagsimula ang police career ni Gen. Regis, kung saan nahasa ang kaalaman tungo sa kinaroroonan ngayon.

At ngayong si Gen. Regis ang pinuno, umaasa ang marami na magiging aktibo ang QCPD sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Papalitan ni Gen. Regis si C/Supt. Benjardi Mantele na itatalaga namang regional director ng Region 4A (Calabarzon area).

Ang pagkakahirang kay Gen. Regis ay hamon sa kanyang kakayahan dahil sa samu’t saring problema ngayon sa lungsod.

Magiging sakit ng ulo ng heneral ang isang alyas ‘Papa Mayor’ na kung umasta umano ay daig pa si Mayor Herbert Bautista.

Ang kalokohan ni ‘Papa Mayor’ ang naging hadlang kaya hindi nagtagumpay si Gen. Mantele sa kanyang pamumuno ng QCPD.

Matagal nang gustong umalis si Gen. Mantele sa QCPD dahil sa kahihiyang inaabot sa mga nais mangyari ni ‘Papa Mayor’ sa QC.

Kaya nga nang mabatid na aalisin na siya sa kanyang puwesto at ililipat na sa ibang assignment ay natuwa ng husto si Gen. Mantele.

Kung ano raw kasi ang gusto nitong si malokong ‘Papa Mayor’, aba’y walang magawa ang nakaupong QCPD chief.

Si ‘Papa Mayor’ ang nagdidikta sa QCPD director kung ano ang gusto, lalo sa pagpupuwesto ng mga iligal, katulad ng sugalan.

Ilan sa gambling lord na inupo at binigyan ni ‘Papa Mayor’ ng basbas para mag-operate sa QC ay sina Don Ramon at Lito Motor.

Si Don Ramon na malapit din sa isang dating heneral at ngayon ay city hall official ang financier ng jueteng sa lungsod.

Ang ex-general na ito kasama ang isang ‘Col. Abalos’ na aktibong QCPO official ang nagsisilbing adviser ni ‘Papa Mayor.’

Si Lito Motor naman, ayon  sa kuwento sa Chokepoint ng informant nating QCPD official  ay alaga at trusted ‘GL’ ni ex-general.

Itutuloy natin ang kuwentuhan…sumubaybay lang. Bong Padua

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply