Sagot sa patuloy na oil price hike inaayos na

TINATAPOS na ngayon ng pamahalaan ang isang programa na tutugon sa matinding epekto ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ipinag-utos na ito ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang economic managers at pakikinabangan ito ng mga mahihirap na consumers.

Ito’y makaraang lagdaan ng Chief Executive ang Executive Order No. 32 hinggil sa fuel subsidy para sa mga nasa public transport sector.

Bukod dito, hindi naman idinetalye ng opisyal ang ilalabas na direktiba hangga’t hindi pa umano naisasapinal ang mekanismo.

Sinabi ni Usec. Valte na hindi pinag-uusapan dito ang price control sa mga pangunahing bilihin.

Sa kabilang dako, inatasan ng Malakanyang ang Department of Trade and Industry (DTI) na bantayang mabuti  ang presyo ng mga  pangunahing produkto.

Aniya, may sariling computation ang DTI kaya dapat maiwasang makapagsamantala ang mga negosyante sa pagtataas ng presyo ng langis at singil sa kuryente. Kris Jose

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply