Sagupaan sa Maguindanao, 14 patay

TINATAYANG 14 na namamatay sa pagitan ng sagupaan sa Maguindanao na kinasasangkutan ng mga kamag-anak ni Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu at ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Commander Tautin Salendab ng 109th base command.

Nabatid kay 6th ID public affairs chief Col. Prudencio Asto, 10 na ang patay sa pangkat ni Mangudadatu kung saan lima rito ang kanyang mga kamag-anak, habang apat naman ang nasawi sa grupo ng MILF.

Ayon naman kay Gov. Mangudadatu, tutol ang mga rebelde sa isinasagawa nilang road project na posibleng pinag-ugatan ng away.

Taliwas naman sa paniwala ni Interior Sec. Jesse Robredo kung saan ayon sa kanya, awayan ng dalawang pamilya ang pinagmulan ng gulo na humantong sa pagkasawi ng mga biktima. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply