Sakit na ‘Superbug’ kumakalat

ISANG bagong bacteria ang kumakalat ngayon sa iba’t-ibang bansa na tinaguriang Superbug gene.

Ayon kay Dr Eric Tayag, director ng Department of Health National Epidemiology Center, natuklasan ang naturang bakterya noong nakaraang taon na hindi tinatablan ng antibiotic.

Ayon pa kay Tayag, natuklasan ang naturang sakit sa New Delhi, India.

Kaugnay nito, inamin ni Tayag na may posibilidad na makarating din ito sa Pilipinas makaraang mapag-alaman na isang pasyente sa England ang nag- positibo sa nabanggit na bacteria.

Nabatid na sa tubig nagmumula ang sakit at naililipat din sa tao na maaari namang maipasa pa sa isa ring indibiduwal. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply