Sakop ng fuel subsidy mapapalawak

MALAKI ang posibilidad na mapalawak pa ang sakop ng fuel subsidy bukod sa mga nasa transport sector.

Ayon kay Pangulong Benigno Aquino III, kailangan lamang na maging malinaw at maayos ang magiging mekanismo ng ipatutupad na subsidy sa krudo.

Sa ulat, kabilang sa transport sector ay humirit din ng diskuwento ang mga magsasaka at mga mangingisda na gumagamit din ng krudo o gasolina sa kanilang mga fishing boat.

Taliwas aniya sa transport sector, sinasabing walang prangkisa ang mga mangingisda at magsasaka para masigurong makikinabang ang mga dapat na mababahagian ng benepisyo.

Sinabi ni Aquino na mayroong mga panukala na pinag-aaralan upang direktang maibibigay ito sa tamang sektor.

“There have been proposals.  We will look into it… That is being studied to the present time,” ayon kay Pangulong Aquino. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply