Sakuna sa dagat: 1 mangingisda nawawala, 66 naligtas sa Cavite

ISANG mangingisda ang nawawala habang naligtas naman ang 66 crewmembers ng tugboat makaraang magkaroon ng sakuna sa karagatan ng Cavite, Biyernes ng Abril 1.

Ayon sa report ng dzBB, nakikipag-ugnayan na ang The Philippine Coast Guard (PCG) sa mga awtoridad ng Cavite para mahanap ang mangingisda na hindi pa pinapangalanan.

Ayon sa inisyal na report ng PCG headquarters sa Manila, naganap ang sakuna na kinabibilangan ng isang fishing boat “Aleja” at tugboat “Hagonoy sa Sangley Point ng Cavite.

Ayon pa sa imbestigasyon, nasabit sa fishing net ng “Aleja” ang tugboat.

Nananatili namang maayos ang “Hagonoy” matapos ang insidente.

Nailigtas naman ang mga pasahero maliban sa isang nawawala. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply