Salpukan ng Elite, Road Warriors sa PBA D-League

MAGKAKAALAMAN na kung alin sa Blackwater Elite at NLEX Road Warriors ang matatag sa gaganaping salpukan ng Group A Leading Teams (3-1) sa dwelo ng dalawa sa PBA D-League Foundation Cup sa Arellano Gym sa Legarda St., Sampaloc, Manila sa double – header mamayang hapon (Abril 28).

Layunin ng dalawang team na masungkit ang panalo para sa unang outright quarter final slot. Mauuna rito ay ang bakbakan ng Cobra Energy Drink (2-1) at ng nasa buntot ng Group B standings na Café France.

Ang Ironmen na isa sa pinaka-paborito sa simula ng liga ay tinalo ng Maxi! Bond Super Glue Sumos noong Abril 7, kasunod ng naunang dalawang pamamayagpag.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply