Salpukan ng Lady Stags at Lady Cobras

MAGBABANATAN sa PhilOil Flying V Arena ang San Sebastian Lady Stags at ang Southwestern University Lady Cobras para sa Group A na pinangungunahan ng Ateneo de Manila University Lady Eagles ngayong hapon.

Ang SSC Lady Stags ay sasalang sa una nilang laro habang ang SWU Lady Cobras ay papasok sa pangatlong laro alas-kuwatro ng hapon.

Ang Cesafi champions na Lady Cobras ay pinadapa ang Far Eastern University Lady Tamaraws sa loob ng napakahigpit na limang sets. Ang Lady Stags na lalaro sa kanilang unang pagsabak ay katatampukan ng guest player na si Suzanne Roces, NCAA MVP Joy Denito, Elaine Cruz, Bonsai Mirasol, Bamcie Belen at ng libero na si Mae Crisostomo.

Mag-aagawan naman sa liderato sa Group B ang Adamson Lady Falcons at ang Perpetual Help Lady Altas sa pagsukbit sa malinis na 2-0 slate. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply