San Juan de Letran ninakawan ng mga laptop

TINATAYANG aabot sa P548,000 halaga ng mga laptop computer at hard disc na pag-aari ng San Juan de Letran ang tinangay ng contractual technician, iniulat ngayon Abril 19.

Tinutugis na  ng mga tauhan ng Manila Police District Theft and Robbery Section ang suspek na si Albert Zapata, 30, may-asawa, contractual technical support ng Colegio de San Juan de Letran College sa ilalim ng VL Juson technologies Inc. at huling nakatira sa 1708 C Antonio Rivera St.,Tondo,Maynila.

Natangay ni Zapata ang 12  pirasong HP laptop,  20 pirasong 160 GB  Hard Disc, 84 pirasong  Random Access memory (RAM) 2 GB na umaabot sa kabuuang halaga na P548,000.

Ayon kay PO1 John Bucad, dakong 9:15 Lunes ng umaga ng madiskubre ni Arturo Ablao Jr., isa ring technical support ng nasabing eskuwelahan na nalimas ang mga laptop, hard disc at iba pang gadget sa loob ng Internet Reaserch Laboratory IRL ng nasabing eskwelahan.

Dahil dito, agad na ipinagbigay-alam ni Ablao sa pulisya ang nangyari upang magsagawa ng occular investigation.

Sa record ng Close Circuit Television (CCTV) labas-masok si Zapata sa Letran noong Abril 17 (Linggo) sa pagitan ng 10:18 hanggang 11:00 ng gabi.

Ayon kay Michael Arzabal, OIC ng security guard ng Letran College, malayang nakapapasok at nakalalabas ang suspek dahil tiwala ang eskuwelahan sa kanya at itinuturing na ring empleyado doon.

Nagpaalam umano ang suspek kay Arzabal na mayroon itong official business sa loob kaya nagtiwala rin ito at hindi na nagawa pang i-check ang dala-dala nitong back pack.

Karaniwan na umanong may dalang back pack ang suspek tuwing pumapasok ito sa Letran kaya hindi suka’t akalain ng mga empleyado na tatangayin nito ang mga gamit sa research lab.

Gamit ng suspek ang ipinagkatiwalang susi sa kanya kaya nabuksan umano nito ang lock ng mga unit at unti-unti nitong nailabas ng hindi nahahalata ang mga gamit ng eskwelahan.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya para sa ikadarakip ng suspek na haharap sa kasong qualified Theft. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply