Sapatero binoga ng nairitang senglot

Rizal— Kritikal ang 22-anyos na sapatero matapos barilin ng kanyang kapitbahay na napikon dahil sa pagsali sa inuman kahit hindi iniimbita sa Antipolo City.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. supt. Manuel Prieto ang biktima na si Benito  Bonaobra, Jr, 22, ng  Purok 2D, Sitio  Manalite, Brgy. Mayamot, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas Totoy  Bato  Naruso, agad na tumakas dala ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:00 ng umaga sa bahay ng isang Randy Fabul.

Masayang nag-iinuman  ang suspek at ilang kapitbahay nang biglang sumama sa umpukan ang biktima nang hindi naman tinatawag.

Nairita ang suspek sa ginawa ng biktima kaya kinompronta niya ito na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa magbunot ng baril ang una at pinutukan  si Bonaobra.

Agad namang naisugod ang biktma sa Amang Rodriguez Hospital. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply