Sarah Geronimo may bagong admirer

PAPASOK na sa showbiz ang anak ni Cesar Montano kay Theresa Loyzaga na si Diego. Makakasama siya sa top-rating show ng ABS-CBN 2,ang Mara Clara. Gaganap siya rito bilang si Derrick na isang swimmer.

Na-influence ba si Diego ng kanyang ama para mag-showbiz din? “Actually hindi ko po alam noon na sikat ang daddy ko sa Phillippines. Nagulat na lang ako na marami ang nagpapakuha ng picture sa kanya at piagkakaguluhan siya. NA-realize ko po na gusto ko na ring mag-artista.

Showbiz is a big part of  me now,”sabi ni Diego.

Did your parents support your decision?

“Yes.Provided na hindi ko pababayaan ang studies ko. If the grades are good magpapatuloy ang pag-aartista ko. Pag mababa, they pull me out. So  far happy sila sa grades ko. I’m still focusing on my studies po,”

Ipinaliwanag ni Diego kung bakit mas pinili niya ang ABS-CBN 2 kesa sa GMA 7 to think na dito may show ang kanyang ama.

“No offense to other network. I feel welcome po sa ABS-CBN. Very welcoming po ang ABS-CBN. Everyone was telling me, sa ABS-CBN ka dapat. I was pleased on what I have found here. My dad wanted me to stay here in the Philippine. And then it developed -joining showbiz.”

Anong advice ang binigay sa kanya ng daddy niya sa pagpasok niya sa showbiz?

“Be courteous to others. Always smile. Priorities have to come first-schooling, work,friends,

*******

MAY bagong admirer si Sarah Geronimo,ang anak ng Governor ng Camarines Sur na si Miguel Villafuerte. Nung premier night ng latest movie ni Sarah with Gerald Anderson, yung Catch Me I’m In Love na showing na ngayon ay pinadalhan siya ng bouquet of flowers ni Miguel. Kinilig naman ang Pop Princess nang matanggap niya ito.

Well, pumasa naman kaya sa pihikang panlasa ng mga magulang ni Sarah ang bago niyang admirer? Alam naman natin na pagdating sa lovelife ni Sarah ay nakikialam pa rin ang kanyang mga magulang kahit pa nasa right age na rin naman siya para mag-decide para sa kanyang sarili. Rommel Placente

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply