Sasakyang pandagat lumubog sa Congo, 38 patay

NAMATAY ang 38 katao matapos na lumubog ang ang isang sasalyag pandagat sa Democratic Republic of Congo, ayon sa Red Cross, Abril 26.

Ang nasabing sasakyan ay may lulan na mahigit sa 100 pasahero at mga kargamento.

Base sa ulat, nanggaling ang naturang sasakyan sa Minova at papunta ng lungsod ng Bukavu nang naabutan ng malakas na hangin at hambalusin ng dambuhalang alon.

Nagsasagawa naman ng rescue operation ang Red Cross at nasagip ang 11 katao habang nananatiling nawawala pa ang 50.

Hanggang ngayong araw na lang ang rescue operation ng Red Cross. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply