SC tinabla ang Microsoft sa P11M kaso sa buwis

PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng  Court of Tax Appeals (CTA) na nagsasaad na  walang karapatan ang  Microsoft Philippines sa  P11-milyon tax refund sa mga buwis na binayaran nito noong  2001.

Batay sa siyam-na-pahinang desisyong sinulat ni Senior Associate Justice Antonio Carpio ng SC Second Division,  bigong mapatunayan ng  Microsoft Philippines  na may karapatan sila sa tax refund.

Nilinaw ng SC na hindi natugunan ng naturang kumpanya ang mga rekisito na itinatadhana  ng  National Internal Revenue Regulations Code (NIRC), gaya ng VAT invoicing requirements.

Ayon sa SC,  kailangang patunayan ng isang tax payer na naghahabol ng tax refund kung bakit entititled sila sa refund sa pamamagitan ng pagsunod sa mga requirement na hinihingi ng batas.

“A tax credit or refund, like tax exemption, is strictly construed against the taxpayer. The taxpayer claiming the tax credit or refund has the burden of proving that he is entitled to the refund or credit,” ayon sa Korte Suprema.

Dagdag pa nito: “In this case, burden of proof that Microsoft Philippines is entitled to a refund or credit can be shown by compliance with the requirements set forth under the law.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply