Seaman kinasuhan ng rape ng dating jowa

KUSANG sumuko ang isang seaman engineer na kinasuhan ng 2 count of rape ng dati nitong kasintahan, Biyernes ng umaga, Abril 29 sa tanggapan ng warrant section ng Navotas police matapos malaman na meron arrest order ang korte  laban sa kanya.

Ang suspek na  pormal na isinuko ng kanyang legal counsel sa opisina ni P/insp. Pablo Temeñes, hepe ng ng warrant section  ay nakilalang si Candelario Bequepaz, 28, 2nd engineer ng Sanad Tormar vessels at residente ng Block 36, Lot 53, Phase 2 Area 2, Dagat Dagatan Northbay Boulevard South Navotas City

Si Bequepaz ay naharap ng kasong 2 count of rape under article 266 of revised penal code at walang piyansa.

Base sa rekalmo ng dating kasintahan ng suspek na si Alma Nagit, dalawang ulit siyang ginahasa sa loob ng kwarto ng suspek na una nung March 19 at naulit pa nung March 28 noong 2010 hanggang sa magbuntis at manganak ang biktima subalit hindi umano pinanagutan at sa halip ay nagpakasal ang suspek sa iba.

Sa bisa ng warrant of arrest ang ipinalabas ni Judge Celso Magsino Jr. ng Malabon Regional Trial Court branch 74, ay agad na sumuko ang suspek.

“Hindi ko siya ginahasa siya ang may kagustuhan sa katunayan siya ang pumasok sa aking quarter” mariing tanggi ng suspek.

Aminado siya na dalawang beses silang nagtalik at pareho nilang kagustuhan ito.

Ayon pa sa suspek, baka hindi umano siya ang ama ng anak ng dating kasintahan.

Kasalukuyang nasa tanggapan na ng warrant section ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply