SEC babantayan ng DOF

IBINABALIK na ng Malakanyang ang pagbabantay at administrative supervision ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Department of Finance (DOF), ito ang pahayag ngayong Martes, Abril 26, ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr.

Ayon kay Ochoa, nais nilang palakasin ang financial system ng bansa sa gitna ng krisis sa ekonomiya.

Sa kasalukuyan, binabantayan ang SEC ng Department of Trade and Industry (DTI), ngunit ayon sa Executive Order No. 37 na pinirmahan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong April 19, bahala na ngayon ang DOF sa pagbabantay sa SEC upang masiguro ang mas magandang koordinasyon at epektibong pagpapatupad ng malakas at matatag na financial policies.

Dating pinamamahalaan ng Office of the President (OP) ang SEC batay sa Presidential Decree No. 902-A, o SEC Reorganization Act, kung saan binigyan ito ng karagdagang kapangyarihan at inilagay sa ilalim ng administrative supervision ng Malakanyang noong 1976.

Noong 2000, inilipat ang Executive Order No. 192 o administrative supervision ng SEC mula sa OP sa DOF.

Ani Ochoa, magiging epektibo ang EO 37 matapos mailathala ito sa mga pahayagan.

Matatandaang napakaraming anomalyang ikinakabit sa SEC noong Arroyo administrasyon.

Ilan sa mga anomalyang ito ay may kaugnayan sa mga naluging pre-need plans tulad ng CAP o Calloge Assurance Plan at Legacy Group.

Ang nasabing mga kumpanya ay nagdeklara ng bankruptcy o pagkalugi upang makalusot sa pagbabayad, ngunit ang iba naman ay muling nagtayo ng panibagong kumpanya. Nenet L. Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply