Seguridad sa Quiapo Church hinigpitan

HINIGPITAN na ng mga tauhan ng Manila Police District ang seguridad sa paligid ng Quiapo Church dahil sa inaasahang  pagdagsa ng mga deboto doon sa Semana Santa.

Sa pangunguna ng ilang mga miyembro ng MPD Bomb Squad ay  puspusan na ang isinasagawang pagbabantay sa buong paligid ng Simbahan ng Quiapo sa Plaza Miranda upang mabigyan ng tiyak na proteksyon ang mamamayan na magtutungo dito sa pag-obserba ng Holy Week.

Una nang ipinahayag ni P/Chief Supt. Roberto Rongavilla, na may mga patrol car din na itatalaga sa mga simbahan sa buong Kamaynilaan lalo na ang Simbahan ng Quaipo na taun-taong dinadagsa ng mananampalataya.

Pinayuhan naman ng director ang mamamayan na maging alerto sa mga masasamang-loob lalo na’t siksikan sa mga simbahan, kung saan madalas na nambibiktima ang mga mandurokot. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply