Seismic activity sa Bulkang Taal patuloy

PATULOY ang seismic activity ng Bulakang Taal ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang  Seismology (Phivolcs) at nakapagtala sa nakalipas na 24 oras ng anim na volcanic earthquakes.

Ang nasabing earthquakes ay mas mababa kaysa sa naitala kahapon, Abril 20, kung may 13 pagyanig na ang isa ay may kalakasan.

Ito ay naramdaman pa sa Barangay Calauit na may lakas na intensity 3 habang intensity 1 naman sa Barangay Pira-piraso.

Una rito, ayon sa mga eksperto, tumaas ang temperatura sa may main crater ng Taal na mula sa 30.5 degrees Celsius ay nasa 31.5 degrees Celsius na.

Base rin sa Phivolcs, patuloy na namamaga pa rin ang lupa sa paligid ng Taal kung ikukumpara ito noong Pebrero.

Samantala, nananatili pa ring nasa alert level 2 ang Taal at ipinagbabawal pa rin ang pagpunta sa main crater nito, Daang Kastila Trail at Mt. Tabaro.

Ang alert level 2 ay nangangahulugan nang pag-angat ng magma sa loob ng Taal palabas sa crater nito.

Patuloy naman ang monitoring ng Phivolcs at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa aktibidad ng bulkan. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply