Sekyu utas sa kapwa sekyu

PATAY ang 38 anyos na sekyu nang barilin ito ng kanyang kabaro matapos ang mainitang pagtatalo, habang kapwa naka-duty sa  Manila International Container Terminal sa North Harbor, Port Area, Manila, Miyerkules ng gabi, Abril 20.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktima na si Roy Real, 38, security guard ng RVV Security System Inc. na nakatalaga sa MICT, at residente ng Silang, Cavite, bunsod nang tinamong tama ng bala sa katawan.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek na si Pablito de Leon, security guard din ng RVV na nakatalaga rin sa MICT at residente ng Angat, Bulacan na agad tumakas matapos ang pamamaril.

Sa inisyal na ulat ng pulisya dakong 7:30 ng gabi ng maganap ang pamamaril sa labas ng security outpost sa isang bakanteng container depot sa MICT.

Pareho umanong nakaduty ang biktima at ang suspek nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa di malamang kadahilanan.

Sa kasagsagan nang pagtatalo ay bigla umanong nagbunot ng kaniyang service firearm ang suspek at binaril ang biktima bago mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo, bitbit ang baril na ginamit sa krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply