Sekyu wanted sa ninakaw na Pagcor chips

TINUTUGIS ngayon ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang 38-anyos na security guard, matapos umanong tangayin nito ang mahigit sa P10 milyong halaga ng marker chips ng Philipine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa United Nations Avenue, Ermita, Manila, Linggo ng madaing araw.

Kinilala ang suspek na si Joseph Patrick Liwanag, may-asawa ng 1872 Tramo St.,Pasay City.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Dexter dela Paz kay Chief Insp. Arturo Paras, hepe ng Manila Police District-Theft & Robbery Section, nasa pagitan ng 5:00 hanggang 5:30 ng madaling araw ng maganap ang nasabing insidente sa loob ng Pagcor Pavillion sa panulukan ng United Nations Avenue at Maria Orosa St., sa Ermita.

Ayon kay Edgardo Cucio, 41 anyos; may-asawa at acting assistant Chief Security officer sa sangay ng Pagcor, posible umanong tinangay ni Liwanag ang 99 na pirasong chips na nagkakahalagang P10,170,000, dahil bigla na lamang itong nawala.

Dahil dito, itinuring ng isang wanted sa batas si Liwanag, hangga’t hindi ito lumulutang para magbigay ng kanyang panig.

Nakatakda rin itong sampahan ng kasong Qualified Theft.Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply