Semana Santa simula ngayong Linggo de Ramos

PORMAL nang nagsimula ngayong Linggo, Abril 17, ang Semana Santa kasabay nang paggunita ng mga Katoliko sa Linggo de Ramos o Palm Sunday.

Milyong Katoliko ang nagtungo sa mga simbahan sa buong bansa na may dala-dalang palaspas.

Iwinagayway ng mga Katoliko ang mga naturang palaspas, upang alalahanin ang matagumpay na pagpasok ni Hesukristo sa Herusalem, habang binabasbasan sila ng holy water ng pari.

Inaalala rin sa Banal na Misa ang pasyon at pagkamatay ni Hesukristo para sagipin ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

Nabatid na marami namang vendors ang nakinabang sa okasyon sa pamamagitan nang pagtitinda ng mga palaspas na nagkakahalaga ng P15 hanggang P25 bawat isa. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply