Semis tatargetin ng Kings, Aces

KASUNOD ng magaang na panalo sa quarterfinals ng Barangay Ginebra sa Rain or Shine ElastoPainters, 100-91, at ang pagbawi ng Alaska Aces sa Air21 Express, 91-89, sa PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome noong Biyernes, Abril 8, ang pagpuntirya nila sa semifinal round.

Kapwa tig-isang panalo na lang ang kailangan ng Kings at Aces para umabante sa susunod na round. Tatangkain nilang tapusin ang kani-kanilang seryeLinggo, Abril 10, sa kaparehas na venue.

Umalagwa agad ang Kings laban sa Elasto Painters sa unang half ngunit nagawang dumikit ng huli matapos ang third quarter.

Hindi naman hinayaan ng Kings na makasabay pa ang Elasto Painters sa fourth quarter.

Tatlong tres naman mula kay L.A. Tenorio ang nagpahabol sa Aces sa huling bahagi ng kanilang laro laban sa Express at ang follow-up basket ni Sonny Thoss sa huling .4 segundo ang nagsilbing winning basket. Radito Torres

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply