Sen. Revilla umapela ng subsidyo sa toll fee

UMAPELA si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.,  kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na pigilin ang pagtataas ng toll fee sa Metro Manila Skyway o di kaya ay magkaloob na lamang ng subsidiya sa mga apektadong motorista.

“Napaka-wrong timing, ang daming nagtataasan, yung gasoline tataas pa daw next week tapos sasabay pa yung increase sa toll fee. Kung pupuwede, wag na muna itong ipatupad, may power naman si Presidente na pigilin ito,”giit ni Revilla na siyang chairman ng senate committee on public services.

Inirekomenda naman ng senador na chairman din ng Senate committee on public works na kung hindi na mapipigilan ng Pangulo ang toll fee increase sa Skyway, maaari naman itong magbigay ng pansamantalang subsidy sa mga dumadaan sa naturang expressway upang hindi sila mabigla sa paglaki ng kanilang gastusin.

“I-subsidize muna, kung nagawa nilang magbigay ng subsidy sa mga jeepney at tricycle driver eh bigyan din nila itong dumadaan sa Skyway,”paliwanag nito.

Nitong Biyernes,Abril 15, inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang bagong rates sa Skyway na magsisimula simula sa Abril 26 o pagkatapos ng Semana Santa.

Ang Class 1 vehicle na dadaan sa elevated Skyway mula Makati hanggang Alabang, Muntinlupa ay magbabayad na ng P147 habang ang Class 2 o mga bus ay P294 at ang Class 3 o mga trak ay P441.

Ang mga dadaan naman sa ‘at grade portion’ ng Skyway mula Magallanes hanggang Alabang ay P106 na mula sa P65 para sa Class 1 vehicle.

Ikinatuwiran ng TRB na mas mababa pa ang inaprubahan nilang rate kumpara sa hinihingi ng Citra Metro Manila Tollways Corp., ang investor ng Skyway.  Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply