Senado payag sa ceasefire sa pulitika sa Kuwaresma

PABOR ang Senado sa mungkahi ng Malakanyang na mag- ceasefire ang mga pulitiko at mga opisyal ng gobyerno sa kanilang patutsadahan ngayong Semana Santa.

Ayon kay Sen. Francis Escudero mas makakabuti na magmuni-muni na lamang sa panahong ito.

Sinabi pa ng senador,  halos magkatulad ang mga pulitiko at mga mandirigma o mga sundalo na nagdedeklara ng tigil-putukan sa mga  mahahalagang okasyon tulad ng Pasko at  Semana Santa.

Dagdag ni Escudero, magandang pagkakataon ang  Holy Week  para makapag-reflect ang lahat .
Sa ganitong paraan umano ay makita  at mapagtanto  kung ano talaga ang  mahalaga sa buhay ng bawat isa at maiwasang  masadlak tayo sa mga wala namang kwenta o di  importanteng bagay dito sa mundo .

Sa kabila ng  panawagang  political ceasefire  ng Malakanyang , tila  umiinit naman ang bangayan sa pagitan ng administrasyon at   kampo ni dating Pangulong   Gloria Macapagal Arroyo, na kamakailan ay nagdeklara ng harapan nang  aatake o babatikos sa  Aquino administration.

Bilang ganti, sinabihan ng Pangulo ang kanyang pinalitan sa Malakanyang at mga alipores nito na “paranoid” lang umano ang mga ito dahil palpak umano ang mga ito noong sila pa ang nasa poder. Vicky Cervales

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply