Senado walang interes sa kaso ni Willie

WALANG plano ang Senate committee on public information and mass media na imbestigahan ang kontroberysal na paggiling ng isang bata sa show ni willie revillame sa channel 5.

Ayon kay Senador Gregorio Honasan, hindi na kailangan pang makialam ang Senado sa isyu dahil ipauubaya na lang nila ito sa MTRCB na may hurisdiksyon sa usapin.

Aniya, dito malalaman kung may sapat na kapangyarihan ang MTRCB para ipataw ang mabigat na parusa kung may pagkakasala si Revillame.

Gayunpaman, masusing imomonitor ng kanyang komite ang pag-usad ng kaso ni Revillame at ipapatawag sa isang pulong ang pamunuan ng MTRCB  upang mapag-aralan kung paano madaragdagan ang ngipin nito laban sa mga abusadong TV at showbiz personalities.

Ikinatwiran pa ni Honasan na hindi na kailangang imbestigahan in aid of legislation ang isu dahil mas maraming trabaho na dapat pagtuunan ng pansin ang Senado sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo tulad ng impeachment trial kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.  Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply