Senador atat maging Senate President

SINO itong senador na atat maging Senate President kaya’t pilit na ginagapang ang mga kasamahang senador pati ang grupo ng Liberal Party.

Ang kaso hindi nagtagumpay dahil wala siyang bilang o numero.

Mahilig ding maglinis-linisan ang senador na ito subali’t tulad ng kulungan ng baboy, marumi at may bahid din pala ang pagkatao nito lalo na’t kailan lang ay nasangkot ang isa sa mga miyembro ng pamilya nito sa milyong halaga ng ari-arian na ibinenta at pinagkakitaan.

Mega deny pa nga sa huli ang mambabatas na ito.

Nang hindi makuha ang SP post, hinaras na lang si Senate President Juan Ponce Enrile para makuha ang isa sa ‘major committee on money’.

Clue:  Ang senador na ito ay kilalang Ama ng mga kornik dahil sa hilig ngumuya at kumain ng kornik.

Kung gusto ninyong malaman kung sino ang senador na ito, itanong ninyo sa Public Assistance Center ng Senado.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply