Senglot kinatay ng 4 kainuman

TIGOK ang isang lasing nang pagtulungang katayin ng kanyang apat na kainuman sa Malabon City Sabado ng hapon.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan si Randy Valles, 34 ng C. Perez st., Tonsuya, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Resty Davac, 34, kalugar ng biktima at tatlong hindi pa nakikilalang mga kasama nito.

Sa pahayag ng anak ng biktima na si Bryle, 15, dakong 5:30 ng hapon, pinuntuhan niya ang kanyang tatay na nakikipag-inuman sa bahay ni Davac subalit laking gulat niya nang makita si Davac may dugo ang kamay habang hawak ang isang patalim.

Nang mapansin nina Davac si Bryle ay agad nagpulasan ang mga ito habang humingi ng tulong si Bryle upang madala ang ama sa PLM.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply