‘Sertipikadong Pinoy’ ng TESDA, handa na

UMABOT sa 203 returning overseas Filipino workers (OFWs) at nasa 200 ang OFW dependents ang kinilala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang Sertipikadong Pinoy (SP) na sumailalim sa free week-long skills assessment and certification program ng ahensiya.

Ayon sa TESDA, handa nang makipagsabayan pagdating sa trabaho, lokal man o sa abroad ang OFWs na biglaang nawalan ng trabaho sa Europa, Middle East, Saudi Arabia dahil sa political conflicts doon, ganoon din ang displaced workers mula sa Japan na hiangupit ng malakas na lindol, tsunami at sunud-sunod na pagsabog ng Fukushima Nuclear Plant.

Bukod sa OFWs, kasama din sa SP ang 1,979 skilled workers, 401 trainers, at 4,023 mga estudyante.

Sa talaan ng TESDA, nasa 11,684 ang sumailalim sa nasabing assessment at umabot sa kabuuang 6,806 ang pinagkalooban ng SP bilang patunay sa kanilang  “efficiency, adeptness at excellence”  sa kani-kanilang expertise.

Ayon kay TESDA Director General Joel Villanueva nasa 23,898 ang kabuuan ng inaasahang aplikante na nagpatala para sa 5-day NATCAC o ang National Technical-Vocational Competency Assessment and Certification na isinagawa noong Marso 8-Abril 1, 2011 ng ahensiya.  Ang bilang na ito ay lumampas sa target ng TESDA para sa unang batch na nasa 20,000 lamang.

Aniya, handa ang TESDA sa pag-assess sa lahat ng nagpatalang aplikante subalit halos nasa 12,000 lamang ang dumating at nagpamalas ng kanilang kasanayan.

Binati ni Villanueva ang mga pumasa at ngayo’y lihitimong SP kasabay ang panawagan sa iba pang OFWs, skilled workers at technical-vocational graduates na makilahok sa 2nd batch ng free assessment.

“With the assessment and certification, our OFWs and TESDA graduates will have something else to show their prospective employers. It will be a plus factor for their employment here or abroad,” pahayag ni Villanueva.

Umaasa si Villanueva na ang TESDA certification ay magbubukas ng bagong oportnidad para sa ating kinikilalang mga bagong bayani at mga bagong nagsipagtapos na makapagtrabaho lokal man o sa abroad.

Ang Region VIII (Eastern Visayas) ang may naaitalang pinakamaraming bilang ng SP na umabot sa 1,119; sinundan ng Region IV-4 (CALABARZON) 960; Region XI (Davao Region) 923; Region VII (Central Visayas) 922; Region III (Central Luzon) na may  755.

Sumunod dito ang CARAGA region na may 617; Cordillera Autonomous Region 613; Region IX (Zamboanga Peninsula) 294; Region II (Cagayan Valley) 293; Region I (Ilocos region) 143.

Samantalang ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay may 66 certified workers; Region VI (Western Visayas) 40; National Capital Region 33; Region V (Bicol) 18; at Region X (Northern Mindanao) 10.

Sinabi pa ni Villanueva na ang boluntaryong pagtungo ng mga aplikante sa kani-kanilang regional offices para sumailalim sa assessment ay patunay na pinahahalagahan ng mga manggagawa ang TESDA certification bilang pamantayan pagdating sa kalidad ng trabaho.

“Not long ago, Tech-Voc education offered by TESDA was not given much attention, but now people equate it with quality and excellence, not to mention, the stepping stone of some to pursue their education,” dagdag pa ng director-general ng TESDA.

Sa darating na Hunyo at Oktubre ng taong ito ang iskedyul ng susunod na serye ng magkakasabay na assessment at certification para sa SP. Linda Bohol

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply