Shabu nginuyang parang candy para maipuslit sa kulungan

ITO ang modus-operandi ng isang ginang na naaresto kahapon, Abril 16, matapos na tangkain nitong magdala ng shabu sa loob ng Mandaue City Jail para sa kanyang boyfriend na kasalukuyang nakapiit doon.

Sa ulat ng Police Regional Office-RAIDSOTF  Central Visaya sa Camp Crame, inaresto si  Esther Alilin, 43-anyos at residente ng Barangay Umapad dahil sa pagtatangka nitong magpasok ng 11 maliliit na pakete ng shabu sa pamamagitan ng pagnguya rito na parang candy.

Nabatid na bandang alas-10:00 ng umaga ay nagtungo si Alilin, sa Mandaue City Jail para daalwin ang live-in partner niyang si  Merlito Hortesano, nang sitahin ito ng dalawang jail guards para marekisa.

Ayon sa report nina Jail guards JO2 Annie Rose Berdin at JO1 Sheila dela Victoria, naghinala sila sa kakaibang kilos ng suspek at sa nginunguya kaya’t hiniling nilang iluwa kung anuman ang kanyang kinakain sa loob ng kanyang bibig.

Agad namang iniluwa ng babae ang isang mint candy, subalit naghinala na ang mga jail guard dahil parang may laman pa ang  bunganga na ito kaya hiniling muli ng jail officers na iluwa ang natitirang kendi sa kanyang bibig.

Tinangka pang tumanggi ng babae dahil sayang umano yung kendi subalit ng pilitin na siya ng mga bantay ay dito na natuklasan ang mga maliit na pakete ng shabu na kanyang iniluwa

Sa pagsisiyasat ni  Inspector Anacleto Dusaran Jr., Mandaue City deputy jail warden kay Alilin ay nabulgar na ito ang modus operandi ng suspek sa pagpapasok ng droga sa loob ng piitan.

Dahil dito, iniimbestigahan na rin ang boyfreind nitong si Hortesano na hinihinalang nasa likod ng bentahan o paggamit ng iligal na droga sa loob ng naturang kulungan.

Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa dangerous Drug Act ngayong Lunes si Aliiin. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply