Showdown sa oldest comedy bar ng bansa!

MALAPIT na ang much-awaited “MB Showdown” kaugnay sa ika-27th anniversary ng Music Box, Timog. Wala na ngang duda na ang MB ang maituturing na pinakamatatag na sing-along bar, hindi lang sa QC, huh, kundi sa buong Pilipinas.

As usual, month-long celebration ang naisipan nina Boss Wawie de Dios at Danjosh sa anibersaryo ng MB ngayong Mayo. Pagkatapos ng solo show ni Beauty, isusunod naman nila ang “MB Showdown” na kung saan itatampok nila ang kanilang magagaling na hosts/emcees, gaya ng mga sumusunod; Beauty, Leanne, Mojak, Jay-R, Palita, Katrina, Bugay, J.L., Divette, Mick, Alwina, Jaya at Danjosh.

See you all there, mga friendship at i-enjoy natin ang cozy atmosphere ng MB at ang kanilang hi-tech sounds.

oOo

AYON KAY
Joel Cruz, sa tinatamasang kasikatan ngayon ni Charice, malaking tulong ang dalagitang international singer bilang endorser ng kanyang produkto. Hindi pa man daw lumalabas noon ang Charice perfume ay marami na ang naghahanap nito sa kanyang mga outlet.

From rags to riches ang kuwento ng buhay ni Joel. Yumaman ito sa kanyang sariling sipag at pagpupunyagi, at mukhang tuluy-tuloy pa rin ang pagyaman niya. In fairness, maraming natutulungan si Joel, at upang malubos ito, itutuloy na raw ng kanyang kumpanya ang matagal na nilang balak na Joel Cruz Foundation. Ernie Ernie

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply